Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na mas lumakas ang bagyong Inday habang ito'y nasa karagatan. As of 4 AM huling namataan ang sentro ng bagyong Inday sa layong 420 kilometers Northeast ng Itbayat Batanes.
May lakas ng hangin na ito na aabot sa 155 kilometers per hour at may pagbugso naman na aabot sa 190 kilometers per hour.
Inaasahang kikilos ang bagyo sa direksyong North Northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Samantala, isa na namang Low Pressure Area ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ito sa layong 1, 996 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
At para naman sa ating magiging panahon bukas..
Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 33 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 60% ang chance of rain.
Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 34 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.
Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 32 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.
22- 33 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 90% ang tsansang uulan.
Sa Zamboanga City, mula 25-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.
Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 17-26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.
Sumikat ang araw kaninang 5:34 ng umaga at lulubog 5:45 ng hapon.