top of page

BAGYONG INDAY, NAKALABAS NA NG PAR ; LPA NA MINOMONITOR NG PAGASA,ISA NA NGAYONG TROPICAL DEPRESSION

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Inday. Bagamat nasa labas na ng PAR ay makakaranas pa rin ng malalakas na hangin ang malaking bahagi ng Batanes Area.


Huling namataan ang bagyong Inday sa layong 550 kilometers North Northeast ng Extreme Northern Luzon.


May lakas ng hangin ito na aabot sa 140 kilometers per hour at may pagbugso naman na aabot sa 170 kilometers per hour.


Samantala, ang dating binabantayan ng PAGASA na isang Low Pressure Area sa labas ng PAR ay ganap na ngayong Tropical Depression


Huling namataan ito sa layong 1, 710 Silangan ng Extreme Northern Luzon.


May lakas ito ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at may pagbugso naman na aabot sa 65 kilometers per hour.


At para naman sa ating magiging panahon bukas..


Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 32 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 34 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.

Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 32 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 100% ang chance of rain.

22- 32 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 80% ang tsansang uulan.

Sa Zamboanga City, mula 25-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.

Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 17-25 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:33 ng umaga at lulubog 5:44 ng hapon.

1 view
bottom of page