Bagyong Lannie, malapit ng lumabas ng Philippine Area of Responsibility

WEATHER UPDATE | OCTOBER 6, 2021


Cotabato City, Philippines - Malapit ng lumabas ng Philippine Area of Responsibility si Bagyong Lannie.


Huling namataan ang bagyong Lannie sa layong 575 km West Northwest ng Coron, Palawan.


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 55 km/h.

Kumikilos ito patungong West Northwestward sa bilis na 25 km/h.


Magiging maulap naman ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA.


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 25 hanggang 35 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-35 degree celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-34 degree celsius at 60 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 32 degree celsius at 70% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 18 to 28 degree celsius at 5

100% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:30 ng gabi.






4 views