Weather Update | October 7, 2021
Cotabato City, Philippines - Tuluyan ng nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Lannie.
Sa ngayon ay umiiral na lamang sa buong bansa ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone.
Magiging maulap naman ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Bataan, Zambales at Samar provinces.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pulo-pulong pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 25 hanggang 33 degree celsius at 50 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 23-33 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-33 degree celsius at 60 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 32 degree celsius at 50% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 18 to 22 degree celsius at 60% ang tsansa na uulan.
Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at lulubog 5:30 ng gabi.
