Weather Update | iNews | October 14, 2022
Cotabato City, Philippines- Tuluyan ng nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong si Maring.
Sa ngayon ay nakakaapekto na lamang ang Southwest Monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng Luzon.
Magiging maulap ang kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga pulo-pulong pag-ulan at thunderstorm sa nalalabing bahagi ng bansa.
Para sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 32 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 24-33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 100 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-32 degree celsius at 80 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 31 degree celsius at 60% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 18 to 26 degree celsius at 80% ang tsansa na uulan
Ang araw ay sumikat 5:29 ng umaga at lulubog 5:26 ng gabi.