top of page

Bagyong Maring, patuloy na nananalasa sa bansa

Weather Update | iNEWS | October 12, 2021


Cotabato City, Philippines - Patuloy na kumikilos papalayo ng dulong hilagang Luzon ang sentro ng bagyong si Maring.


Kaninang madaling araw, tinatayang ng nasa layong 145 km West Southwest ng Calayan.


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 100 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 125 km/h.


Higit na apektado ng bagyo ang Batanes, Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at ang northern portion ng Isabela


Makakaranas naman ng maulan na panahon na may kasamang malalakas na hangin ang Central Luzon, the rest of Cagayan Valley, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands.


Magiging maulap naman ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, the rest of Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula at BARMM


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pulo-pulong pag-ulan at thunderstorm sa nalalabing bahagi ng Mindanao.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 25 hanggang 33 degree celsius at 50 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 23-33 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-33 degree celsius at 60 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 31 degree celsius at 60% ang tsansang uulan.



Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 18 to 27 degree celsius at 50% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:29 ng umaga at lulubog 5:27 ng gabi.




6 views
bottom of page