top of page

BAGYONG ODETTE ISA NANG GANAP NA TYPHOON, PATULOY ANG PAGKILOS PATUNGONG MINDANAO.

iNEWS | December 16, 2021


Cotabato City, Philippines - Sa datos mula sa PAGASA makikita sa ating I WEATHER CENTER na huling namataan ang mata o sentro ng bagyo sa layong 330 km east of Surigao City, Surigao Del Norte at may taglay na lakas ng hangin na umaabot ng 150 kilometres per hour, at may pagbugso na umaabot sa 185 kilometres per hour at kumikilos pa hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometres per hour habang binabaybay ang karagatan palapit sa Mindanao.


Makikita natin sa i weather center na dahil sa trough ng bagyo, makakaranas ng malalakas na pag-ulan, na may kasamang pagkulog at pagkidlat dito sa bahagi ng Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao Region. Dito naman sa Zamboanga Peninsula ay makakaranas din ng pag-ulan at pagbugso ng hangin.


Para naman sa natitirang bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot pa rin iyan ng Bagyong Odette.


Sa Forecast Track ng PAGASA, bukas ng umaga ay inaasahan na ang mata o sentro ng bagyo ay nasa coastal areas ng Ilog Negros Occidental at pagdating nga ng sabado, ang mata ng bagyo ay nasa North West ng Puerto Princesa City, Palawan.


Nakataas naman ang Tropical Cyclone Number 3 sa iilang bahagi ng bansa, ngunit dito sa Mindanao, ang mga lugar na napasailalim sa Tropical Cyclone Number 3 ay ang Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Nothern portion ng Agusan Del Norte at Northern portion ng Agusan Del Sur.


Samantala, Para naman sa magiging agwat ng temperatura bukas,


Sa Cotabato City papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 31 degrees celsius at 90 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degrees celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato pumalo ang temperatura mula 22-31 degrees celsius at 80 percent ang chance of rain.


Habang sa Lanao Del Sur naman ay papalo ang temperatura mula 17 to 24 at 70% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:26 ng umaga at lulubog 5:48 ng hapon.

82 views
bottom of page