Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 2, 2022

Photo courtesy : Makabagong Maguindanao
Cotabato City, Phils - Upang maibalik ang sigla ng makasaysayang Islamic Center, agad na ipinag-utos ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang muling pagsasaayos ng tirahan ni Moro Islamic Liberation Front Chairman Amerul Mujiahiden Hashim Salamat.
Habang nagsasagawa umano kasi ng medical mission ang Provincial Government ng Maguindanao sa bayan ng Pagalungan particular na sa Islamic Center, Barangay Buliok, napansin ng grupo na tila naluma na ng panahon ang nasabing bahay na siyang nagsilbing tahanan ng mga MILF kasama si MILF Chairman Hashim Salamat.
Nang makarating ito sa Agila ng Maguindanao, agad itong nagpadala ng tulong pinansyal at mga tao upang maayos ang nasabing lugar.
Ang Islamic Center ay minsan nang naging sentro ng MILF sa pakikipagbaka upang makamit ang inaasam-asam na kalayaan.
END.