BAKBAKAN SA DATU SAUDI AMPATUAN
Mahigit dalawang libong pamilya o mahigit labing isang libong indibidual ang apektado ng gulo matapos umigting muli ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo ng MILF sa Datu Saudi Ampatuan.
Nanawagan naman si Mayor Resty sa pamunuan ng MILF na tulungan silang resolbahin ang gulo sa pagitan ng dalawang panig dahil maraming sibilyan ang nadadamay sa bakbakan.
Muling umigting ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo ng MILF sa Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, isang araw lamang matapos idaos ang Eid’l Fitr.
Sa kasagsagan ng Ramadan, maka ilang ulit ding nagpalitan ng putok ang dalawang grupo.
Kahapon, araw ng linggo, mahigit dalawang libong pamilya o mahigit labing isang libong indibidual ang apektado ng gulo.
Kaya nanawagan si Mayor Edrie Sindatuk sa magkanilang na tuldukan na ang gulo. Huminhingi rin ang alkalde ng tulong mula ss MILF.