top of page

Balay ni Nanay, ipinapatayo ng Provincial Government ng South Cotabato sa bayan ng sa Lake Sebu.

Kate Dayawan | iNEWS | September 20, 2021


Cotabato City, Philippines - Ginagawa na ngayon ng Provincial Engineering’s Office ng Provincial Government ng South Cotabato ang Balay ni Nanay sa Barangay Lamdalag, Lake Sebu, South Cotabato.


Ang gusaling ito ay laan para sa mga buntis na nakatira sa mga malalayong sitio sa nasabing barangay.


Bago pa man ang inaasahang araw ng panganganak, maaari nang manatili sa nasabing pasilidad ang mga ina.


Ang pagpapatayo ng Bahay ni Nanay ay pinondohan ng abot sa Php 1,492,842.30.




6 views
bottom of page