top of page

Banana Plantation, nakatakdang itayo para sa mga magsasakang Teduray sa Maguindanao

Kate Dayawan | iNews | November 5, 2021


Cotabato City, Philippines - Upang masuportahan ang pangkabuhayan ng mga magsasakang Teduray sa Maguindanao, magpapatayo ng isang Banana Plantation ang Bangsamoro Government sa Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Ang proyektong ito ay pinangunahan ng Regional Bangsamoro Board of Investment o BBOI sa pakikipagtulungan ng Office of Member of Parliament Suharto Ambolodto at Ministry of Indigenous People's Affairs o MIPA.


Bilang inisyal, itatanim sa mga susunod na buwan ang limang hektarya ng Cardava Banana sa Datucampong Banana Plantation sa loob ng 50-hectare area plantation.


Pinangisawaan ng Regional BBOI ang koneksyon sa pagitan ng Datucampong Banana Plantation, isang bagong banana investor, at Usman Banana Plantation sa Matanog, Maguindanao, ang pinagkukunan ng Cardava nursery at nagbibigay ng technical assistance kung paano ang tamang paraan ng pagtatanim at maging ang pagbaba rin ng mga produkto sa merkado ay tumutulong rin ito.


Umaasa naman si Atty. Ishak Mastura, Regional BBOI chairman, na sa pamamagitan ng proyektong ito ay mahikayat ang iba pa na magtanim ng Cardava dahil may mga available market at magandang income rin para dito.


Plano rin umano nila na magdevelop ng 150 hectares ng Cavendish Banana Plantation sa lugar na makakapagbigay ng mahigit 250 na trabaho na karamihan ay para sa mga local resident farmers.


Nagpaabot naman ng pasasalamat si MIPA Deputy Minister Guialil Abdulrahman sa RBOI sa pagsisikap na makapagbigay ng inisyatibong investment para sa indigenous people.


Samantala, sinabi ni Regional BBOIT Board of Governor Mohammad Pasigan na tinatayang 2 million pesos hanggang 20 million pesos na kapital ang kanilang ilalaan para sa pag-invest ng 5 to 50 hectares ng Cardava plantation partikular na sa mga bulubunduking lugar.




2 views
bottom of page