Kristine Carzo | iNEWS | September 7, 2021
Cotabato city, Philippines - Sa report mula sa PNP kinilala mismo ng kanyang kaanak ang biktima na si Honney Abdul Kadatuan alias " Ashley " , 26 years old na residente ng Rosales Street Barangay Rosary Heights 6 Cotabato City.
Sa naging imbestigasyon ng mga otoridad halos dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos ang huli nitong pakikipag ugnayan sa kanyang magulang.
Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawaN ang BIKTIMA na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Patuloy naman na nangangalap ng impormasyon ang mga otoridad upang matukoy ang motibo at suspek sa pamamaslang sa biktima.
