top of page

BANGKAY NG ISANG LALAKI, NATAGPUAN SA LUGAR KUNG SAAN NANGYARI ANG PAGPAPASABOG SA TOWER NG NGCP

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki matapos isagawa ng otoridad ang clearing operation sa pinangyarihan ng pagsabog sa Kauswagan, Lanao Del Norte, araw ng Lunes, October 24.


Sa ulat mula sa Western Mindanao Command, lumalabas sa imbestigasyon ng SOCO, AFP at PNP, kasamang narekober sa operasyon ang mga

Photo courtesy: WESMINCON


fragments ng Improvised Explosive Device na sumabog malapit sa tower.


Nerekober din sa area ang mga parte ng 60mm mortar na pinaniniwalang ginamit sa pagpapasabog.


Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad. Inaalam rin kung ang lalaking nasawi ay sangkot sa pagpapasabog o nasawi ito sa pagsabog.


Bukod sa imbestigasyon, nagpatupad na rin ng security operation ang otoridad.


Apektado ng power interruption dulot ng pagsabog ang Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, at ilang parte ng Lanaio Del Norte.


Simula alas kwatro kaninang madaling araw, naibalik ang kuryente sa mga lugar na nawalan ng suplay dahil sa pagsabog.


End


0 views
bottom of page