top of page

BANGKAY NG LALAKI AT BABAE NA NATAGPUAN NA WALA NG BUHAY SA TAVIRAN, DOS, MAGUINDANAO, KINILALA NA!

- Fiona Fernandez



Photo Courtesy: DOS MPS

MAGUINDANAO -- Tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang babae at lalaki na biktima ng pamamaril noong Linggo, June 12, sa kahabaan ng National Highway ng Barangay Taviran, DOS, Maguindanao.


Sa panayam ng iNews Philippines kay Police Liuetenant Guiseppe Tamayo, ang Deputy Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, ang mga biktima ay kinilalang sina Giovanni Mark Palanca, 40 anyos, freelancer at mekaniko ng motorsiklo at Eilene Capilitan, 28 anyos, live in partner ni Palanca na pawang mga residente ng Matina, Davao City.


Dahil sa mga nagkalat na post sa facebook, umabot din sa mga kaanak ng dalawa ang sinapit ng mga ito kaya bandang alas nwebe y media kahapon, tinungo ng pulisya at agad nilang dinala ang nasabing kaanak sa punerarya kung saan naroon ang mga bangkay.


Ayon sa magulang ng biktimang si Giovanni, noong nakaraang linggo pa ng Huwebes nang umalis sa kanilang tahanan ang kanyang anak kasama ang live in partner upang makipag kita sa isang kaibigan.


Wala nang iba pang naiisip na impormasyon na ibibigay ang kaanak nito sa pulisya dahil hindi rin ipinaalam ni Giovanni kung sino ang kikitain at saan pupunta.


Nagpaabot din ng tulong pinansiyal ang DOS PNP sa kanila upang maiuwi ang bangkay.


Ngayong araw naman ng Biyernes inaasahan ang pagdating ng kaanak ng babaeng biktima upang kunin din ang mga labi nito.


Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng DOS PNP kaugnay sa pagtukoy ng mga pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng krimen.


23 views
bottom of page