top of page

BANGSAMORO AGRICULTURE AND FISHERIES TRAINING INSTITUTE


Photo Courtesy: Bangsamoro Transition Authority Parliament


Patuloy na tinatalakay ng Committee on Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform ng BTA Parliament ang proposed measure hinggil sa pagtatatag ng Bangsamoro Agriculture and Fisheries Training Institute.


Isinailalim na sa deliberasyon ng Bangsamoro Parliament’s Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform Committee ang Parliament Bill number 39 o ang pagtatatag ng Bangsamoro Agriculture and Fisheries Training Institute.


Sa ilalim ng panukalang batas, pangungunahan nito ang formulation ng regional agriculture and fisheries extension agenda at budget.


Magiging prayoridad din nito ang modern agriculture and fisheries trends.


Ayon kay CAFAR Chair Matarul Estino, ilang mahalagang stakeholders ang iimbitahan sa pagtuloy na pagtalakay sa proposed legislation upang maiwasan ang duplication at nang makatipid sa pondo.


Samantala, kokonsultahin din ng komite ang Department of Agriculture upang pag-usapan ang posibiliad ng Al-Amanah Islamic Bank serving na maging partner lending conduit para sa Agricultural Credit Policy Council at magkaroon ng interest-free loans sa mga BARMM cooperatives ant social enterprises.



3 views0 comments

Recent Posts

See All