top of page

BANGSAMORO DARUL-IFTA NG BARMM, ISASAGAWA ANG MOONSIGHTING NGAYONG DARATING NA MAY 1

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Iaanunso ng Bangsamoro Darul-Ifta o BDI ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang magiging resulta ng moonsighting alas otso ng gabi ngayong darating na May 1.


Ito'y matapos mapagdesisyunan ng BDI kasama ang mga Ulama at iba pang Islamic professional sa naging pagpupulong nito kahapon na isasagawa ang nasabing moonsighting sa May 1 bilang hudyat ng pagtatapos ng buwan ng Ramadhan.


Sa naging facebook post ng Darul Ifta, base sa astronomical computation, inaasahan sa darating na May 1 magkakaroon ng moonset dalawangpu't talong minuto matapos lumubog ang araw sa Cotabato City.


Kaya naman inatasan ni Bangsamoro Grand Mufti Abuhuraira Udasann si Sheikh Mohammad Taib Pangca na ipresenta at ipakita ang actual status ng sunset at moonset sa May a uno.


Samantala, una nang nagpalabas ang National Commission on Muslim Filipinos ng Office of the President ng isang memoramdum na nagdedeklara na National Holiday sa May 3 bilang pagobserba sa Eid'l Fitr o pagtatapos ng buwan ng Ramdhan sa Hijri Calendar.

10 views
bottom of page