Special Report

“Conquering everest base camp. I’m raising this flag from the roof of the world to honor my parents (former vice mayor muslimin tumbas, batallion commander julhani tumbas and mokamad tumbas) who fought the liberation of bangsamoro people. I owe them the bravery of the heart…
Have faith, believe that you can achieve it…
Advance eid’l fitr to all muslim ummah”
Ito ang caption ni Fauziah Tumbas Lidasan sa kanyang Facebook post. Mula April 18, 2022 narating nila ang base camp ng Mouth Everest, April 26, 2022.
Ayon kay Fauziah, ang Everest Base Camp ang kanyang “toughest climb” simula nang mag-umpisa siya ng mountain climbing taong 2016 nang sumakabilang buhay ang kanyang asawa.
40-years old na si Fauziah at ipinanganak sa Sultan Mastura Maguindanao kung saan dating Vice Mayor ang kanyang ama.
Aminado si Fauziah na mahirap ang summit ng Everest dahil bukod sa pera mahirap din ang trainings. Gayunpaman, buo ang loob ni Fauziah na matupad ang pangarap na maabot ang tuktok ng Mt. Everest balang araw.