top of page

BANGSAMORO GOVERNMENT, INALALA ANG PAGKAKATATAG NG BARMM AT ANG INAUGURAL SESSION NG BTA.

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 30, 2022

Photo courtesy : Bangsamoro Government


Cotabato City, Philippines - Inalala ng Bangsamoro Government ang tatlong taon nang pagkakatatag sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang Inaugural Session ng Bangsamoro Transition Authority na naging tanda ng bagong simula para sa mga mamamayang Bangsamoro na mamahala at gampanan ang kanilang right to self-determination.


Ang BARMM ang resulta ng ilang dekada ng negosyasyon ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front.


Naitatag ang Bangsamoro Government at umupo sa pwesto ang 80 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament noong Marso 29, 2019.


Ang pag-alala ng dalawang makasaysayang pangyayari ay alinsunod sa observance ng Bangsamoro History Month as per Declaration No. 0001, s. 2021 ng Office of the Chief Minister.


End.




2 views
bottom of page