Kate Dayawan | iNEWS | December 7, 2021

Photo courtesy : Bangsamoro Government
Cotabato City, Philippines - Mariing kinokondena ng Bangsamoro Government sa pamumuno ni Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, Al-haj ang insidente ng pamamarilan sa Baliwasan seaside, Zamboanga City umaga ng lunes, Disyembre a sais-
Kung saan nasawi sa pamamaril si Al-Barka Mayor Darussalam Saguindilan Lajid at ang isang security na si Barad Nuruddin habang nasa kritikal naman ang kondisyon ni Akbar Mayor Alih Awal Sali.
Batay sa Facebook page ng Provincial Government ng Basilan, kabababa pa lamang umano ng mga alkalde mula sa sasakyang pandagat na naghatid sa kanila mula Basilan nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Umaapela ngayon ang Bangsamoro Government sa PNP at AFP na magsagawa ng malalalimang imbestigasyon at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Hiniling rin ni Interim Chief Minister Ebrahim ang kahinahunan habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.
Ipinaabot naman nito ang kanyang taus-pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at idinadalangin ang mabilis na paggaling ni Mayor Sali.