Kate Dayawan | iNEWS | October 5, 2021
Cotabato City, Philippines - Araw ng Lunes, October 4, nang magpalabas ng opisyal na pahayag ang Office of the Chief Minister na nagsasaad ng buong pagsuporta sa ii-endorso at susuportahan na kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na mamumuno sa bansa.
Kinokonsidera rin ng Bangsamoro Government ang pagsuporta kay Davao City Mayor Sara Duterte sakaling tatakbo ito para sa mas mataas na posisyon sa bansa.
Ayon sa nasabing pahayag, kumpyansa umano ang Bangsamoro Government na maipagpapatuloy nito ang legasiya ng kapayapaan at commitment ng progreso sa Mindanao lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Muli ring nagpasalamat ang BARMM Government kay Pangulong Duterte hinggil sa usapin ng transition period sa BARMM.
Umaasa naman ang Bangsamoro Government na ipapasa na ng kongreso ang legislative measure at nang pormal na itong maisabatas.
