Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 15, 2022

Photo courtesy : Bangsamoro Government
Cotabato City, Philippines - Upang makatulong sa effort ng gobyerno sa pagbabakuna, abot sa 5,320 doses ng Moderna Vaccine ang ibinigay bilang donasyon ng Carnival Corporation & PLC, in cooperation with the Magsaysay Maritime Corporation, sa Bangsamoro Government.
Ang pagturn-over ng nasabing bakuna ay tinanggap mismo ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim noong araw ng Linggo, March 13.
Ang Carnival Corp. & PLC ay isang British-American global cruise line company habang ang Magsaysay Maritime Corp. ay isang crew management and manning company na sinisilbihan ang mga pangangailangan sa human resource ng mga may-ari ng barko, operator at sasakyang pangkalakal.
End.