BANGSAMORO LOCAL GOVERNANCE CODE
DELIBERASYON SA PROPOSED BANGSAMORO LOCAL GOVERNANCE CODE, IKAKASA NA; PROPOSED BILL, IPIPRESINTA SA PLENARY SA HULYO

Isasailalim na sa deliberasyon ang Parliament Bill No. 30 o ang proposed Bangsamoro Local Governance Code na naglalayong itatag ang malinaw na direksyon sa pagitan ng local government units at Bangsamoro Government.
Ayon kay Committee on Local Government Chair, MP Atty Raisa Jajuri, ipipresinta ito sa plenary sa buwan ng Hulyo.
Ang proposed 221-page code ay nahati sa apat na libreo, ito ay ang general provisions, local taxation and fiscal matters, local government units, at miscellaneous and final provisions.
Kabilang sa salient features ng panukalang batas ay ang devolution, official qualification at disqualification, distinction sa pagitan ng local and regional autonomy, at ang proportion ng regional taxes, fees, at charges collected.
Samantala, sa pulong ng CLG, bumuo ng komite na tututok sa walong legislation na naglalayong magtatag ng walong munisipyo sa Special Geographic Area.
Ito ay kinabibilangan ng Pahamudin, Kadayangan, Kabalukan, Northern Kabacan, Kapalawan, Malmar, Tugunan, at Ligawasan.