top of page

BANGSAMORO PARLIAMENT, NAGSAGAWA NG PUBLIC CONSULTATION PARA SA RANAO DEVELOPMENT AUTHORITY ACT

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy : BTA Parliament


Cotabato City, Phils - Isang public consultation ang isinagawa ng Committee on Rules ng Bangsamoro Parliament para sa isang panukalang batas na naglalayong makagawa ng isang ahensya na tututok sa pagpapalago at pagpreserve ng Lake Lanao.


Layon ng Parliament Bill No. 32 o ang Ranao Development Authority Act na makabuo ng isang independent regulatory body na tatawaging Ranao Development Authority.


Sa ilalim ng proposed measure na ito, ang RDA ang magiging primary government agency na responsible sa koordinasyon, pagpaplano, pamamahala at pagpapatupad ng mga development program at paggamit ng resources ng inland waters na sakop ng Ranao region.


Sa RDA Act, sakop ng Ranao region ang Lake Lanao, mga baybayin nito, at lahat ng lawa na sakop ng Lanao del Sur kabilang na ang mga lungsod, bayan at munisipalidad nito.


Kabilang sa mga kapangyarihan at function ng RDA ang pagsasagawa ng komprehinsibong survey ng pisikal, natural resources, potentialities at projected ecological risks ng Lake Lanao; pag-isyu ng kinakailangang permit o lisensya, pagkolekta ng bayad sa paggamit ng lake waters; paglulunsad ng lake water elevation system at iba pa.


Ang BTA No. 32 ang isa sa sampung key legislative measures na uunahin ng BTA ngayong taon.



2 views
bottom of page