top of page

Bangsamoro READi, nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bakbakan sa Mamasapano, Mag.

Kate Dayawan | iNews | December 14, 2021





Umabot sa anim na raang pamilya ang nag-alsabalutan at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers ng Poblacion, Mamasapano, Maguindanao.


Ito'y matapos ang wala umanong tigil na putukan sa lugar kung saan magkasagupa ang militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Dahil sa takot na madamay ay nagsilikas na ang mga residente ng Barangay Dabenayan noong araw ng Huwebes, December 9.


Kinabukasan ay agad na nagpaabot ng relief assistance ang Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi ng Ministry of Interior and Local Government.


Samantala, namahagi rin ng tulong ang Bangsamoro READi sa mahigit labing isang libong pamilya na naapektuhan rin ng pandemya at armed conflict sa iba pang bahagi ng Maguindanao at Cotabato City.


Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang mga pamilya mula sa Barangay Ragandang, Datu Karon at mga MILF Community sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat; Barangay Langeban, Mother Kabuntalan; Barangay Ping-Ping, Sultan Kudarat; MILF Community ng Shariff Saydona Mustapha at Barangay Kalawag sa Parang, Maguindanao.


Sa Cotabato City naman, nakatanggap ang pamilya mula sa Bagua 1, Barangay Kalanganan, at mga guro ng Village Elementary School.



6 views
bottom of page