top of page

BANGSAMORO READi, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA TEDURAY NA NAWALAN NG TIRAHAN SA TALAYAN, MAGUINDANAO

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 21, 2022

Photo courtesy : Bangsamoro READi


Cotabato City, Philippines - Abot sa 90 Teduray ang nabigyan ng food assistance ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence ng Ministry of Interior and Local Government matapos na mawalan ng tirahan dahil sa malakas na hangin at ulan na tumama sa ilang barangay ng Talayan, Maguindanao noong a dise sais ng Marso.


Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Fuad D. Samola, ang mga apektadong mga pamilya ay nagmula sa Sitio Ampis, Bruwing, Butaw ng Barangay Fukol, Pumpong ng Barangay Lanting at Barangay Pugutan sa nasabing lugar.


Lubos din ang kanyang pasasalamat sa Bangsamoro READi at sa pamunuan ng BARMM para sa agarang paghatid ng tulong sa kanilang lugar.


Sa ngayon ay nagpatayo muna ng pansamantalang masisilungan o trapal ang mga apektadong pamilya sa tabi ng kanilang dating bahay.


End.





3 views
bottom of page