Kate Dayawan | iNEWS Phils | February 16, 2022

Photo courtesy : Bangsamoro READi
Cotabato City, Philippines - Nasa 166 na mga pamilyang nagsilikas mula sa Barangay Senditan dahil sa armed conflict ang binigyan ng food assistance ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence ng Ministry of Interior and Local Government sa Barangay Macaguiling, Sultan Kudarat.
Sa ngayon ay natapos na ang gulo sa lugar at inaayos na lamang ng mga otoridad ang gusot sa pagitan ng dalawang armadong grupo.
Samantala, namahagi rin ng food assistance ang Bangsamoro READi sa mga residente na nakatira sa mga barangay ng Pigcawayan, North Cotabato na sakop ng Special Geographic Area ng BARMM.

Photo courtesy : Bangsamoro READi
Kasabay ito sa isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa konstruksyon ng Public Market sa Barangay Datu Binasing na pinondohan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) sa pamamagitan ng Bangsamoro Local Economic Support Services (BLESS).
Mahigit 5,000 indibidwal ang nakatanggap ng food assistance na personal na tinanggap ng kanilang mga barangay kapitan.
Dumalo sa groundbreaking ceremony sina MILG Minister at Bangsamoro READi Head Atty. Naguib G. Sinarimbo, SGA Administrator Mohammad Kelie Antao , 34th IB Lt Col Edgardo Vilchez Jr PA, at dating alkalde ng Pigcawayan na si Eliseo D. Garcesa Jr.
End.