Kate Dayawan | iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy : BARMM READi
Cotabato City, Philippines - Abot naman sa mahigit tatlong libong pamilya ang nabahagian ng food assistance ng mga kawani ng Bangsamoro READi kahapon, November 18, sa iba't ibang barangay ng Sultan sa Barongis, Mamasapano, Guindulungan at Pagalungan.
Ang mga pamilyang ito ay mga apektado ng pagbaha dulot ng sunod-sunod na buhos ng ulan bukod pa sa kinakaharap na pandemya.