top of page

BANGSAMORO READi, PATULOY SA PAMAMAHAGI NG RELIEF ASSISTANCE SA MGA NAAPEKTUHAN NG PAGBAHA SA BAYAN

Marjie Kate Dayawan | iNEWSPHILIPPINES



Araw ng Martes, August 2, patuloy sa pamamahagi ng relief assistance ang Bangsamoro READi ng Ministry of the Interior and Local Government sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Macabual, Pikit, North Cotabato.


Ang nasabing lugar ay mayroong pitong daang residente na lubos na naapektuhan ng pagbaha sa lugar.


Sa mga larawang kuha ng Bangsamoro READi, bakas sa mukha ng mga residente ang saya sa kanilang mga natanggap na tulong mula sa Bangsamoro Government.


Kabilang sa kanilang mga natanggap ay bigas, sardinas, kape at iba pa.


Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng barangay sa Bangsamoro Government sa tulong na ipinaabot nito sa kanilang mga kababayan.

3 views
bottom of page