top of page

BANGSAMORO REGION, NAKAPAGTALA NG PINAKAMATAAS NA PASSING RATE SA CIVIL SERVICE EXAM NG CIVIL SERVIC

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Nakapagtala ng may pinakamataas na passing rate mula sa labing walong rehiyon sa bansa ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa isinagawang career service examination ng Civil Service Commission o CSC nitong nakaraang Marso.


Mula sa 321 na kumuha ng pasulit sa Bangsamoro Region, 104 o 32.40 percent ang pumasa sa pen and paper test ng CSC.


Isa dito si Dexter Tomas, isang working scholar ng Notre Dame University sa Cotabato City.


Ayon sa kanya, mahirap ang exam kaya nagpapasalamat ito na isa siya sa mga pumasa.


Sumunod sa BARMM ang rehiyon ng Caraga na may 26.49 percent habang 26.15 percent naman ang nakuha ng Cordillera Administrative Region.


Ayon sa CSC, mula sa 70,833 na kumuha ng exam sa buong bansa, 12,179 o 17.19 percent lamang ang pumasa.


Sa Professional exam, 9,651 o 16.94 percent ang pumasa mula sa kabuuang 56,980 na examinees habang 18.25 percent naman o 2,528 ang pumasa sa Sub-Professional exam mula sa 13,853 na indibidwal na kumuha ng pagsusulit.


Sa isang press release, sinabi ng CSC na maari nang makita ng mga kumuha ng pagsusulit ang kanilang individual test results sa pamamagitan ng Online Civil Service Examination Results Generation System o OCSERGS simula May 27.


Maari na ring makuha ng mga pumasa ang kanilang Certification of Eligibility ng libre sa regional offices o field offices ng CSC simula June 13.





34 views
bottom of page