Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 30, 2022

Photo courtesy: PDEA BARMM
Cotabato City, Philippines - Timbog sa inilunsad na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang isang barangay councilor sa Datu Siang Street, Purok Datu Siang, Poblacion 7, Cotabato City ng pasado alas otso kagabi, March 29.
Kinilalang ang suspek sa pangalang Ivann, incumbent barangay councilor ng nasabing lugar.
Nailunsad ang nasabing operasyon sa pamamagitan ng tip ng isang concerned citizen sa programang Isumbong mo Kay Wilkins ng PDEA.
Nakumpiska mula sa posesyon ng suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang limang gramo at may katumbas na halagang 34,000 pesos.
Bukod pa rito, nakuha rin ang buy-bust money, isang brown leather na wallet, isang cellphone at iba’t ibang ID.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na sa kasalukuyan ay nakapiit na sa PDEA BARMM Jail Facility.
End.