top of page

BARANGAY KAGAWAD SA PIKIT, NORTH COTABATO, PATAY SA PAMAMARIL

Kate Dayawan | iNews | January 13, 2022





Courtesy: Zenaida Atan Sulao


Cotabato City, Philippines- Hindi nakaligtas ang barangay kagawad na si Samsudin Masulot nang barilin sa Barangay Balatikan, Pikit, North Cotabato noong Martes, January 11. Si Masulot ay isang kwarentay dos anyos na barangay kagawad ng Gokotan, Pikit, North Cotabato. Sa report mula sa Police Regional Office 12, binabaybay umano ng biktima ang daan mula Barangay Gokotan patungong Barangay Batulawan sakay ng isang motorsiklo nang pagsapit sa Barangay Balatikan ay pinara at pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Natagpuan sa crime scene ang limang basyo ng caliber .45 pistol na siyang pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Masulot. Isa rin umanong Peace and Development advocate ang barangay official sa lugar at nakatanggap na rin ng papuri dahil sa dedikasyon nito sa kanyang pagganap sa trabaho. Umaasa naman si PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng PRO-12, na maibibigay kay Masulot ang hustisya nito.

15 views
bottom of page