top of page

BARANGAY LAPU SA POLOMOLOK, HINANDUGAN NG POTABLE WATER SYSTEM NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG SOUTH COT

Kate Dayawan

SOUTH COTABATO - Mahigit kumulang 80% nang tapos ang ginagawang Potable Water System na handog ng Provincial Government sa Purok 1, 2 at 3 ng Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato.


Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng Php3,987,569.17.


Isa lamang ito sa mga proyektong patuloy na ginagawa ng Provincial Government ng South Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.


Una nang inihayag ng gubernador ang pagnanais nito na sabay-sabay na aangat ang aspeto ng development sa Tama at Maayos na Serbisyo sa lalawigan.

2 views
bottom of page