Kristine Carzo | iNews | October 1, 2021
Cotabato City, Philippines - Sabay sabay na ipinakita sa mga Pilipino ang mga napagtagumapayan, polisiya, program at proyekto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buong bansa.
Kahapon araw ng Huwebes ay isinagawa sa ibat-ibang rehiyon sa bansa ang Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Toward National Recovery.
Sa BARMM, ito ay isinagawa sa Police Regional Office Bangsamoro Authonomous Region sa Parang Maguindanao.
Dito ay iprinisinta ang mga napagtagumpayan at legasiya ng pangulo sa mahigit limang taong panunungkulan nito sa bansa.
Isa sa legasiya ni Pangulong Duterte ay ang Bangsamoro Organic Law na nagtatatag sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa isang BIFF Surrenderee sa ilalim ng karialan faction na si Alimudin Malang, matapos na maitatag ang BARMM ay nagpasiya siyang sumuko na sa Gobyerno.
Ang Barangayanihan Caravan ay programang pinangunahan mismo ng Presidential Communication Operations Office.
Tampok rin sa caravan kahapn ang ibat-ibang line agencies ng Gobyerno na ang naghatid ng libreng serbisyo sa publiko.
