top of page

BARMM AT AFP, NAGSANIB PWERSA UPANG SUGPUIN NG TULUYAN ANG TERORISMO SA BANGSMAORO REGION

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Nangako ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pamamagitan ng Joint Task Force (JTF Sulu) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na makikipagtulungan at magtatatag ng matibay na ugnayan sa isa’t-isa para labanan ang terorismo at paghahangad ng kapayapaan at kaunlaran sa Sulu at mga kalapit na lugar nito.

Photo courtesy: AFP


Sa ulat mula sa Philippine News Agency, sinabi ni Joint Task Force (JTF-Sulu) Commander Brig. Gen. Ignatius Patrimonio ng 11th Infantry Division na nakipagpulong ito kay BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim nitong weekend, kung saan, pinag-usapan nila ang sitwasyon ng peace and order sa Sulu.

Sa pagpupulong, kinilala ni Ebrahim ang kontribusyon ng JTF Sulu sa pagpapanatili ng mga tagumpay ng prosesong pangkapayapaan.


Bilang tugon, nangako si Patrimonio na pakikipagtulungan sa BARMM upang suportahan ang mga hakbangin sa kapayapaan, pagkakasundo, at kaunlaran.


Sa ngayon, bumaba umano ang antas ng karahasan ng mga ekstremista sa lugar tulad ng Abu Sayyaf Group.

Bukod sa Sulu, kasama rin sa sakop ng BARMM ang mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, at Tawi-Tawi; ang mga lungsod ng Cotabato, Marawi, at Lamitan, at ang 63 barangays sa anim na bayan ng North Cotabato.


End

0 views
bottom of page