top of page

BARMM GOVERNMENT, PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA MGA PEKENG EMAIL ADDRESS AT MGA NANGINGIKIL

KATE DAYAWAN | iNEWS | iMINDSPH


Cotabato city, Philippines - Sa isang opisyal na pahayag-


Itinanggi ng BARMM GOVERNMENT na pagmamay-ari nila ang email address na‘ bangsamoro.official@gmail.com.


Tumanggap ng report ang BARMM GOVERNMENT na nangingikil umano ng 5,000 pesos sa bawat aplikante na nagsumite ng kanilang job application sa nasabing email address.


Sa official statement ng BARMM GOVERNMENT-


Nakasaad dito na walang sinisingil na bayad ang BARMM sa mga aplikanteng nagsumite ng kanilang job application.


Pinuri naman ng Bangsamoro Government ang mga nagpaabot ng nakakaalarmang insidente.


Para sa official job posting at aplikasyon, maaaring bisitahin ang kanilang official website sa https://jobs.bangsamoro.gov.ph.



Photo by: Bangsamoro Government

2 views
bottom of page