top of page

BARMM, HINDI KASAMA SA EDUCATIONAL ASSISTANCE NA IPINATUTUPAD NG DSWD NATIONAL

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Nilinaw ni MSSD Minister, Atty. Raissa Jajurie na hindi sakop ng DSWD ang MSSD sa pagpapatupad ng educational assistance program dahil ang MSSD ay isang separate government agency sa ilalim ng Bangsamoro Region.


Bago pa umano nagkaroon ng educational assistance ang national government, mayroon na umanong kaparehiong programa ang MSSD, ito ay ang ABaka.


Sa ilalim ng programang Angat Bangsamoro Tungo sa Karunungan , binigyang diin ng MSSD na ang programa ay base sa scoring system kung saan mapa-prioritize ang mga pinaka-nangangailangan—batay sa estado nila sa buhay, economically. Ang mas mahirap ang estado mas mataas ang puntos.


Ipagkakaloob ang one-time financial assistance sa mga mahihirap na mag-aaral sa rehiyon para sa kanilang school-related expenses tulad ng school supplies, books, projects, internet/data load, at iba pang gastusin.


Prayoridad ang mga aplikante na indigents, most vulnerable, at napabilang sa low-income family; working students na enrolled sa public schools, tech-voc schools, state universities, at colleges; enrolled sa private schools pero nasa ilalim ng scholarship program; mga apektado ng armed conflict o kalamidad, calamities; at family member ng breadwinner na deported o kababalik sa rehiyon o sa bansa.


Ang Qualified beneficiaries sa kindergarten at elementary level ay tatanggap ng dalawang libong piso, 3,000 pesos para sa junior at senior high school students, 10,000 pesos parq sa mga kumukuha ng vocational-technology courses, at 10,000 din para sa mga college students.


Sa kabuuan ay mayroon nang 31,000 students sa buong rehiyon ang nakabenepisyo sa programa simula taong 2020, habang mayroon namang 20,000 beneficiaries ang programa taong 2021.

4 views
bottom of page