top of page

BARMM INTERNATIONAL AIRPORT, ITATAYO SA BAYAN NG SULTAN MASTURA, MAGUINDANAO DEL NORTE


Itatayo sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte ang isang International Airport sa BARMM. Ito ang isa sa mga sentrong usapin sa katatapos na Bangsamoro Development Plan.


Sa katatapos na 2nd Bangsamoro Development Plan, isa sa mga mahalagang usapin na inilatag ay ang pagpapatayo ng international airport sa BARMM sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.

Photo Courtesy: Bangsamoro Transition Authority Parliament


Isa ito sa mga maituturing na breakthrough sa rehiyon kapag naisakatuparan ayon kay MOTC Minister, Atty Paisalin Tago.


Mayroon na rin aniyang pag-aaral kung bakit sa bayan ng Sultan Mastura, itatayo ang paliparang pandaigdig.


Aminado si Minister Tago na matagal na panahon ang igugugol sa proyekto pero umaasa nito na masisimulan ang konstruksyon sa ilalim ng kanyang liderato sa Ministry of Transportation and Communications BARMM.

19 views0 comments