top of page

BARMM, NANANATILING LOW-RISK SA BANTA NG COVID-19 SA KABILA NG MABABANG BILANG NG VACCINATION COVERA

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Nananatili pa ring low-risk sa banta ng COVID-19 ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa kabila ng mababang bilang ng vaccination coverage at vaccinated individuals sa buong rehiyon.


Ito ang sinabi ni Ministry of Health Director General Dr. Amirel Usman sa naging press conference ng MOH-BARMM kahapon.


"Nanatiling low-risk ang BARMM. Walang naitalang COVID-related deaths at ang mga

hospital natin is at minimum rate, ICU dedicated bed almost di filled out. As of yesterday walang bagong kaso" sinabi ni Amiril


Bagama't wala namang naitalang panibagong kaso ng COVID sa rehiyon as of April 25, pumalo na sa 19,761 ang naging kompirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Bangsamoro Region.


96.5% nito ang kabuuang recovery rate habang 3.5% naman ang death rate.


Dahil dito, nakatakdang magsagawa ng Special COVID-19 Vaccination Inoculation Drive ang Ministry of Health sa limang probinsya kabilang ang lungsod ng Lamitan at Basilan ngayong darating na Mayo upang matugunan ang mababang bilang ng vaccinated individuals sa rehiyon.

6 views
bottom of page