Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa pinakahuling report mula sa Philippine Fisheries Development Authority, ang BARMM ang nangunguna sa fisheries production sa buong bansa mula April hanggang June 2022.
Nagtala ang BARMM ng 346.42 Metric Tons sa fisheries production, sinundan ito ng Zamboanga Peninsula na nagtala ng 153.38 Metric Tons, Central Luzon na may 130.79 Metric Tons, Western Visayas na may 96.66 Metric Tons, at SOCCSKSARGEN na may 89.41 Metric Tons.