Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Dahil stranded at hirap lumikas sa kani-kanilang tahanan bunsod ng mabilis na pagtaas ng tubig-baha--
Nagsagawa kagabi ang Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o BARMM-Readi, ng rescue operation sa mga residenteng lubhang naapektuhan sa Datu Odin Sinsuat, Talayan at Guindulungan.
Sa tatlong munisipiyong ito, ang Brgy. Muti sa munisipyo ng Guindulungan ang may pinakamalubhang sitwasyon.
Kinakailangang sagipin kasi ng mga kwani ng Guindulungan Municipal Risk Reducation and Management Office at Bureau of Fire Protection ang mga nastranded na sibilyan dahil sa taas ng tubig baha.
Pasado ala una i medya na ng madaling araw ng matapos ang rescue operation.
Malaki naman ang pasasalamat ni Guindulungan Mayor Midpantao Midtimbang Jr. sa agarang pagtugon ng Bangsamoro READi sa kanyang panawagan matapos na matagumpay na mailikas sa mas ligtas na lugar ang mga sibilyan at ilang resident ng Brgy. Muti.
Patuloy naman ang panawagan ng BARMM-Readi na wag mag-atubiling makipagugnayan sa kanilang tanggapan sa panahon ng sakuna.