top of page

BARMM-READI, NAMAHAGI NG TULONG SA RESIDENTE APEKTADO NG PAGBAHA AT IDPS BUNSOD NG BARILAN SA GSKP

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Lubos ang pasasalamat ang mga apektadong residente sa bayan ng General Salipada K Pendatun sa tulong na natanggap nito mula sa Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o BARMM-READi.


Simula kasi May 11, mahigit 600 na indibidwal na lumikas sa bayan ng General Salipada K Pendatun o GSKP sa Maguindanao dahil sa naging palitan ng putok sa pagitan ng dalawang armadong grupo.


Ayon kay PLt. Damiano Albacite, hepe ng Municipal Police Station ng GSKP, tinututukan na nila ang sitwasyon sa lugar at inaayos na ang gulo upang makabalik na sa kani-kanilang mga bahay at mapanatag na ang mga residente doon.


Samantala, mahigit 2,000 pamilya naman sa tatlong barangay sa Midsayap Cluster 2 na lubog pa rin sa tubig-baha ang nakatanggap rin ng tulong mula sa tanggapan.


Personal na tinungo ng mga kawani ng BARMM-READi ang Barangay Kadingilan, Ulandang at Nabalawag upang ipaabot ang relief assistance sa mga apektadong pamilya.


Ayon sa Bangsamoro READi, huwag mag atubiling humingi ng tulong sa kanilang tanggapan sa panahaon ng sakuna dahil bukas umano ang kanilang tanggapan 24/7.

11 views0 comments

Recent Posts

See All