top of page

BARMM-READi, NAGSAGAWA NG STOP-THE-BLEED TRAINING PARA SA BIAF, BIWAB AT MGA BARANGAY HEALTH WORKERS

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Nagsagawa ng Stop-the-Bleed Training ang Bangsamoro READi Cotabato City nitong August 22 at 23 na siyang nilahukan ng dalawampu’t siyam na miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces at Bangsamoro Islamic Women Auxiliary Brigade gayundin sa tatlumpu’t apat na Barangay health Workers mula sa mga Munisipyo ng Mamasapano, Datu Piang, Shariff Saydona, Datu Salibo, Maguindanao.


Ang mga ito ay ang ikatlo at ikaapat na batch na sinanay sa life saving trainings.


Sa naturang pagsasanay, tinuruan ang mga participants kung paano maglapat ng paunang lunas sa mga naaaksidente indibidwal.


Ang Stop-the-Bleed isang kampanya na may kaugnayan sa mga life saving methods at pagsasanay ng mga idibidwal upang bigyang kamalayan sa mga pangunahing aksyon upang matugunan agad ang anumang mga aksidente.

4 views
bottom of page