BARMM-Readi, namahagi ng food assistance
Kate Dayawan | iNEWS | September 22, 2021
Cotabato City, Philippines - Walang humpay sa pamamahagi ng food assistance ang Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) sa ilalim ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ng BARMM.
Kahapon, araw ng Martes, tinungo ng BARMM-READi team ang bayan ng General Salipada K. Pendatun sa Maguindanao.
Ito ay upang handogan ng tulong ang mga pamilyang sinalanta ng baha bunsod ng pananalasa ng Bagyong Jolina at Kiko sa bansa.
Tumulong sa nasabing pamamahagi si Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Officer Anwar Agao.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Rafsanjani Pendaton Ali, kinatawan ng alkalde sa pamahalaan ng Bangsamoro sa pamumuno no Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.
Samantala,
Bilang tugon naman sa panawagan ng punong barangay ng Rosary Heights 1, Cotabato City na si Chairman Reter Morales, agad na umaksyon ang mga kawani ng BARMM-READi.
Abot sa isang libong food packs ang naipamahagi ng tanggapan sa mga residente ng barangay noong araw ng Lunes, September 20.
Sinabi ng punong barangay na kailangan ng mga nasasakupan niya ang tulong dahil sa nahihirapan ang mga ito sa kanilang hanap-buhay dahil sa kinakaharap na pandemya.

Photo by: BARMM-READi