Joy Fernandez | iNews | iMindsPH
Cotabato city, Philippines - Tuloy tuloy ang pagpapa-abot ng mga relief Packs ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o BARMM-READI sa barangay
Kalanganan 1 Cotabato City.
Ito ay bilang tugon ng ahensya sa mga residente ng lungsod na lubhang apektado ng pandemya.
Hindi rin naging madali para sa BARMM- READI ang paghahatid ng relief packs sa ilang sitio sa naturang barangay dahil kinakailangan na nitong isakay sa Bangka ang mga relief packs upang maiabot lang sa mga residenteng nakatira sa tabing ilog.
[Pause sot]
Barmm-readi
Sa loob ng lamang ng dalawang araw August 5-7 ay umaabot na sa 4, 437 relief packs ang naipamahagi ng BARMM-READI sa tatlong barangay sa lungsod.
Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay makakatanggap din ng kaparehong relief packs ang iba pang mga barangay sa Cotabato City.