Kate Dayawan | iNEWS | November 15, 2021

Photo courtesy: BARMM READi
Cotabato City, Philippines - Patuloy na tinutugunan ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi ng Ministry of Interior and Local Government ang iba't ibang panawagan ng mga residente sa Maguindanao at Cotabato City.
Araw ng Sabado, November 13, abot sa 2,755 na pamilya mula sa tatlong bayan ng Maguindanao ang nakatanggap ng food assistance mula sa Bangsamoro READi.
Kabilang rin sa mga nabigyan ang mga payong-payong at habal-habal drivers ng Cotabato City.
Nakatanggap ng tulong ang mga binahang residente ng Barangay Gambar, Mother Kabuntalan sa Maguindanao.
Ganoon din ang mga Teduray sa bayan ng Upi na humingi ng tulong dahil sa labis na nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Hindi rin kinalimutang bigyan ng Bangsamoro READi ang mga habal-habal at payong-payong driver ng Rosary Heights 10, Cotabato City.
Samantala, agad ring nagpaabot ng tulong ang Bangsamoro READi sa 45 pamilya sa Barangay Senditan, Sultan Kudarat na nagsilikas dahil sa hidwaan ng dalawang armadong grupo sa lugar.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa bakanteng silid-aralan ng Senditan Primarily School.