BARMM’S DIGITALIZATON PROGRAM

Photo Courtesy: Ministry of the Interior and Local Government
Isinailalim sa Orientation and Commitment-setting Workshops ng LeAPs Program team ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan mula sa mga munisipalidad ng Butig, Piagapo, Marantao, at Taraka, Lanao del Sur kaugnay sa digitalization program ng rehiyon
Sa ikalawang yugto ng Orientation and Commitment-setting Workshops na pinangungunahan ng Localizing e-Services for Accelerated Provision of Services Program team O LeAPS, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan mula sa mga munisipalidad ng Butig, Piagapo, Marantao, at Taraka, Lanao del Sur ang isinalang.
Ang LeAPS Program ay pinangangasiwaan ng MILG bilang isa sa mga pangunahing inisyatiba ng ministeryo sa tulong ng United Nations Development Programme (UNDP) Philippines kaugnay sa digitalization program ng rehiyon.
Ibinahagi ng Bangsamoro Information and Communications Technology Office, Policy Research and Legal Services ng Bangsamoro Transition Authority, Local Government Academy, at Ministry of Interior and Local Government ang konsepto ng Digital Transformation at ang kahalagahan nito sa mga lokal na plano at patakaran.
Ang pangunahing layunin ng workshop ay palakasin ang commitment ng mga partners ng LeAPS Program sa pamamagitan ng pagdraft ng isang Municipal Resolution na sumusuporta at pagpapatibay nito ag pagsiguro sa long-term implementation nioto.
Ang workshop ay isinagawa sa Davao City simul Abril a bente sais at magtatapos bukas, Abril 29, 2023.
Ang third cluster ng workshop para sa BASULTA provinces ay gaganapin sa May 3-4, 2023. Ang unang batch para sa Maguindanao ay isinagawa simula April 24-27, 2023.