Alejandro Lasola Jr. | iNEWS Philippines | March 11, 2022

Cotabato City, Philippines - Pormal namang itinurn-over ni BARMM Senior Minister Abdulraof Macacua ang pamamahala nito sa Ministry of Environment, Natural Resources and Energy sa bagong talagang Minister na si Akmad Brahim kahapon.
Si Minister Brahim ang dating Deputy Minister ng MENRE.
Sa kanyang pag-upo bilang bagong minister, sisimulan umano nito ang pamumuno sa environmental conservation and protection, pamamahala ng natural resources at ang paggalugad at pagpapalagi sa mga potential energy source sa rehiyon ng Bangsamoro.
Proud naman umano si Macacua dahil sa mga nakalipas na taon, simula nang maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law, ay mahusay na nagagawa ng MENRE ang mandato nito at naniniwala umano ito na maipagpapatuloy ni Minister Brahim ang pagpapatupad ng mga nakaatas sa kanilang tanggapan.
Binigyan diin naman ni MENRE Bangsamoro Director General Atty. Badr E. Salendab sa lahat ng dumalo sa nasabing seremonya ang laging paalala sa kanila ni Senior Minister Macacua, “Bangsamoro muna bago sarili.”
End.