Kael Palapar

BANGSAMORO REGION - Mula -1.9% noong 2019, tumaas ng 7.5% ang Economic Performance ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa 2021 report ng Philippine Statistics Authority o PSA-BARMM.
Base sa datos ng ahensya, umani ng may pinakamalaking share o bahagi sa pagtaas ng economic growth ng rehiyon nitong 2021 ang health at iba pang social work activities na may 22.2%.
20.2% naman ang naging papel ng mining o pagmimina sa rehiyon habang 17.9% naman ang share ng accomodation at iba pang food service activites.
"BARMM's per capital GRDP, GRDE was estimated at P54,535. Increase by 5.4 percent from the previous year's year record of P51, 758. Bound from a decline of -3.8% in 2020." sinabi ni OIC Regional Director - PSA-BARMM, Engr. Akan Tula, sa isang press conference.
Lumobo naman ng 93.9% ang naging gastos o expenditure ng Bangsamoro Region nitong 2021 sa Gross Capital Formation kumpara sa -50.1% noong 2019.
Mula 11.3% noong 2019, bahagyang tumaas rin ng 12.6% nitong 2021 ang Government Final Expenditure habang bumaba naman ang naging gastos ng rehiyon sa mga exports ng goods at services mula - 17.9% noong 2019 at 2020— 8.2% na lamang sa 2020 at 2021.
"Among all regions in the Philippines, only BARMM surpassed the prepandemic per capital GRDP and GRDE." dagdag pa ni Tula.
Pumapangalawa ngayon ang buong Bangsamoro Region sa fastest-growing region mula sa 13 na rehiyon sa buong bansa.
Nangunguna ang CALABARZON habang nasa pangatlong pwesto naman ang Cordillera Autonomous Region.
"We hope in the next year of estimation, you will still shsre the valuable information of PSA for us to be able to come up with quality GRDP, GRDE estimates." giit pa ni Tula.