Barurao Elementary chool sa bayan ng Sultan sa Barongis mayroon ng bagong gymnasium

Joy Fernandez | iNEWS | October 25, 2021


Cotabato City, Philippines - Bukod sa mga proyektong pangkalusugan at pang-edukasyon----


Isa rin sa mga tinututukan ng Makabagong Maguindanao sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ay ang pagsasakatuparan ng mga proyektong pang-imprastraktura sa probinsiya.


Kabilang na rito ang katatapos lamang na konstruksyon ng isang Gymnasium sa Barurao Elementary School, bayan ng Sultan Sa Barongis.


Nais ng butihing gobernadora na may lugar na pagdadausan ang mga guro o mag-aaral kung sakali mang may mga pagtitipon o aktibidad na magaganap ang nasabing paaralan.




0 views