Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang mga kasalukuyang programa ng Department of Education kay US Ambassador Her Excellency MaryKay Loss Carlson matapos itong bumisita sa Office of the Vice President kahapon.
Napag-usapan ng mga ito ang mga nasimulang proyekto ng OVP gaya ng paglalagay ng satellite offices sa ibat-ibang bahagi ng bansa upang ilapit ang gobyerno sa ating mga kababayang nangangailangn, at ang Libreng Sakay na magbibigay benepisyo sa mga Pilipinong umaasa sa public transportation araw-araw.
Ipinasilip din ni VP Sara ang mga programang ipapatupad sa susunod na mga buwan.
Nabanggit din ng kalihim ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030 na naglalaman ng mga plano sa pagpapaunlad sa mga kabataang mag-aaral at sa estado ng edukasyon sa bansa.